top of page

Tungkol sa 

aming

adbokasiya

Aming adbokasiya
“Henerasyon ng pagtulong, aming isusulong

 

     Sa panahon natin ngayon, marami nang pagbabago ang naganap sa ating bansa. Kasama na dito ang wika. Dahil dito, maraming nabuong iba’t ibang varayti ng wika. Nagkaroon ng hindi maayos na estraktura ang pangungusap na nakasanayan ng mga Filipino. Napili itong pag tuunan ng pansin at simulan ng aksyon. Kung hindi ito maagapan, magiging malabo ang pakikipag komunikasyon. Mahalaga ito hindi lamang sa pagsasaayos ng estraktura ng pangungusap kundi, pati na din sa pag bibigay kahalagahan at kaayusan ng wikang Filipino.

 

     Mithiin ng aming grupo na maibalik ang esensiya ng maayos na pakikipag salamuha at mapa-unlad ang ating wikang pambansa. Nais naming imulat ang mga mata ng kabataan mula sa mga pagbabago. Ibig naming magsimula ng pagtuturo sa elementarya sapagkat sila ang mangangalaga ng susunod na henerasyon. Nais naming magkaroon ng maayos na komunikasyon sa maayos na paggawa ng pangungusap at maisakatuparan ang pagtataas ng wikang Filipino.

 

     Naisakatuparan ng aming grupo ang adbokasiyang ito upang mamulat ang mga kabataan sa mga pagbabago ngayon at turuan sila tungkol sa kasarinlan ng Pilipinas. Sa makatuwid, upang magsilbi itong saligan ng wikang Filipino, matuto ang kabataan kung papaano gumawa ng konkretong pangungusap at mapangalagaan ang sarili nating wika na magtataguyod tungo sa tagumpay ng ating bansa.

Mga Staff
at Direktor
De La Salle Lipa

President Jose P. Laurel

Hwy, Lipa, Batangas

 

1-800-000-0000

De La Salle Lipa is a Lasallian educational institution located in Lipa City, Batangas, Philippines. It is the latest of the third generation of La Salle schools founded by the De La Salle Brothers in the country: La Salle Academy-Iligan (Iligan City, Lanao del Norte) in 1958, La Salle Green Hills (Mandaluyong) in 1959, Saint Joseph School-La Salle (Villamonte, Bacolod City) in 1960 and lastly, De La Salle Lipa in 1962.

© 2015 by Hera Helene' T. Macalalad. Proudly created with Wix.com

bottom of page